|
About:
Marian Kristel. 4teen. 05-05-97 Junior HS. Obsessed with books. Loves Taylor Swift and I'm very much in love with One Direction. Certified Directioner♥. I'm just a girl trying to find a place in this world. Click this-->
Tags and things. :)
|
Lakwatsa.
Whoo~ Nakaka-miss din pala gumala. Kanina nagpunta kami kina Katrina after kumuha ng brigada certificate. Kasama namin sila Denise, Wilson at Shaira. Nakaka-miss din pala yung ganun. XD Nagpicture lang tapos gumawa ng gifs. Tapos puro tawa dun sa pinanuod namin nila Katrina. :)) Mga 2 umuwi na kami tapos kumain kami nila Wilson at Shai sa Mcdo. Katakawan lang. =)) Huy Kat!! Salamat kanina. HAHAHAHAHA. Grabe, 2 days na lang pasukan na tapos whole day na agad. Tsk!! Bitin ang bakasyon. XD LOL. Anong konek? Hahahaha. May 26.
Eh bakit ba. :”> Gusto ko magkwento sa nangyari nung nag-outing sa office nila mama sa Laguna. :D ~~~~ Kasi di ba nag-outing yung office nila mama kaya pinasama niya ko. Tapos nung nandun na ko, papaakyat na ko sa hagdan tapos may salamin na tagos tapos nakikita mo yung mga tao sa loob, nasa iisang room lang kasi yung office nila mama saka yung sa boss niya. Pagpasok mo may isang room pa, dun yung sa boss niya. K. tapos nung accidentally na napatingin ako sa salamin, nagtama yung mga mata namun tapos ang bilis ng tibok ng puso ko kaya umiwas na lang ako ng tingin. XD :”> LOL. Masyado detalyado. Hahahaha. Edi ayun, crush ko na sya pero konti lang. LOL. talande. XD tapos nung papunta na sa laguna, nakahiwalay kami ng sasakyan. Di kami sa jeep kung saan nakasakay yung iba, dun kami sa kotse ng officemate ni mama. :)) Tapos dun din pala sasakay yung boss nia kasama yung crush ko saka yung 2 niya pang kapatid. All boys sila. Ang turn on lang kasi naka-akbay sya dun sa kapatid niya habang nasa byahe kami. Ang sweet niya sa bata kaya ang nakakatuwa talaga. Tapos ayun nung nasa byahe na kami sa Calamba, nakipag-usap yung boss ni mama sa’min. Parehas nga pala kaming mag-e-exam sa UP kaya ayun. Parehas pa kami ng campus na napili. UPD saka UPLB. Ayun, parehas din kami ng course sa UPLB, BS Biology saka BS Economics. Meant to be. Charot XD Tapos sabi pa nung boss ni mama sana daw makapasa kaming dalawa. Tapos tinanong nung boss ni mama yung guide kung malayo pa daw ba sa Calamba yung Los Baños. Medyo daw sabi nung guide. Tapos sabi pa nung boss ni mama. Ah. Para sigurado daw kami sa way sakaling makapasa kami pareho sa UPLB. Magsabay na lang daw kami sa pagluwas. Tapos nagulat lang ako nun. Ohem. Nakakakilig. :”“”> Tapos binilin na ko ni Mama dun na kung makapasa daw kaming LB pareho, sa iisang dorm na daw kami magsama tapos yung boss ni mama trip yung idea na ganun. Para kaming napagkaisahan. Kahit madilim nun sa byahe at di ko makita yung expression nia, alam kong nagulat din siya. Hello. Lalaki siya at gwapo baka anong magawa ko. LOL. XD Joke lang. Sabi ko kay mama bakit ka naman pumayag? Sabi ni mama para safe daw. Like yeah, baka di pa maging safe yung lalaki sa’kin. HAHAHAHA. XD Oh teka, may part 2 pa yan. Hahahahaha. =))) PS: Taglandi ako. Ohem. Hahahaha. :P Sorry sa long post. Wait, may 2nd part pa to. Lels~ [Flash 9 is required to listen to audio.]
15 plays
12:51 - Krissy and Ericka (cover)
Crush!!
Hi Crush. :) Alam mo yung feeling na ngayon ka na lang ulit nagka-crush tapos hindi mo alam yung pangalan niya pero dahil anak siya ng boss ng nanay ko!! Presto nalaman ko rin. Gusto ko magkwento pero nakakatamad mag-type. :”> Nakakatuwa, ngayon na lang ulet ako kinilig ng dahil sa crush. Oo, dati kinikilig ako sa pagfa-fangirl ko pero iba pa rin yung kiligin ka dahil sa crush mo. >//< Omo. Hello John Carlo *insert surname here* Hahahahaha. Hindi ko kasi alam, nakalimutan ko itanong kay mama. Baka kasi mahalata niya. Ayun, feeling ko magiging active na ulet ako dito. Eh~ :”> Saya magka-crush. Lels~ Sa wakas may crushlife na rin ako. Chos~ Kamusta kayo?! XD Walang update
Tinatamad na ko mag-tumblr. Kung di lang ako nanghihinayang dito eh. Tss. XD at saka masyado akong busy. Nahuhumaling ako sa pagbabasa at paggawa ng kwento. Oo. Ang adik ko, nagsusulat ako ng kwento ngayon pero secret lang. Hahahahaha. Oo, alam ko, wala na tong kwenta. XD Wala lang memapost langs. =)) Iyak.
Iyak lang ako ng iyak. Pano kasi ang dami kong iniisip. Eto pang si Denise nakipag-usap sa’kin. Wala, syempre na-touch lang. Akala ko kasi wala ng nakakaintindi sa’kin, akala ko kasi wala ng nakakaalala. Tapos dumagdag pa si Mhaan. Of all people, ang laki ng gulat ko na si Mhaan pa. Akala ko kasi kinalimutan na rin nila ko. Lahat naman parang ganun. :( Ewan ko. Ang gulo-gulo ng utak ko. Gusto ko lang umiyak ng umiyak hanggang sa malunod na ko sa luha ko at hanggang sa mapagod na ko. Pagod na pagod na rin ako. Paulit-ulit lang kasi yung nangyayari. Tapos pakiramdam ko iilan na lang yung kaibigan ko. Sa totoo lang, miss na miss ko na yung dati na may malalapitan ako pag may problema ako. Pero ngayon kasi parang hindi ko na alam yung lalapitan ko kasi alam kong mababalewala lang ako. Lagi akong nandito, oo. Sana alam niyo yun. Gusto ko malaman niyong nandito ako kasi takot akong maiwanan niyo. Nakaka-miss lang pala. Pero kung wala talaga. Tanggapin na lang. People come and go. Hay. Ibang lungkot tong nararamdaman ko. Ibang-iba. :( Basta kung kailangan niyo ng kausap, lagi lang naman akong nandito.. Kahit hindi ko alam kung nandyan pa rin kayo. :( Walang kwenta.
Ang galing talaga ng nanay ko. Napaka-sumbungera lang. >< Lahat ng galaw ko pinamamalita sa tatay ko. Pati pagpupuyat. Puta naman. Lahat naman ng gusto nila ginagawa ko. Nag-aaral ako kahit bakasyon. Hindi na nga ko maghahanda sa birthday ko tinanggap ko yun dahil may pasok ako sa araw na yun. Nanghihingi lang naman ako ng pandagdag kay mama na pera para mabili yung libro ng 1D. Tapos sinumbong pa ko kay papa. Nakakainis naman. Lahat na lang ng bagay sinisisi nila sa 1D. Pwes, insultuhin nila ko wag lang yung 1D dahil wala namang kinalaman yun eh. Hindi naman nila alam yung hirap ko. Mahirap mag-ipon. Kung pwede nga lang mag-trabaho, ginawa ko na. Lahat na lang ng bagay eh. Nung magkausap kami ni papa iyak lang ako ng iyak. Buti pa siya kahit pano naiintindihan ako. Puta. Kung ayaw magbigay ng pandagdag edi sabihin agad sa’kin hindi yung sa ibang tao pa padadaanin. Kaya ko naman eh. Wala na ngang handaang magaganap ayaw pa din. Birthday ko naman eh. Si papa naman magbibigay ng pera pero parang ayaw ni mama. Minsang nga iniisip ko kung tunay ba nila kong anak kasi ginagago lang ako lagi. Puta. Nasasaktan din kasi ako diba? Kung ayaw mo edi wag, wala ka namang alam sa lahat ng ginagawa ko. Mali lang nakikita mo pero pag may magandang nangyayari sa’kin, ipagmamalaki mo din. Tangina naman. Lahat na lang talaga ng bagay. Nakakabwisit na. Lalo lang lumalamat yung relasyon namin. Pwes. Unang gagawin ko pag nakapagtapos ako? Pasensya na sa puro mura. Nakakainis lang talaga. |